Popular
-
GELITPH: Literatures of the Philippines
10 Jan 2019
-
Tunnels and Traps
12 Jan 2012
-
Torture Museum
12 Jan 2012
In Singapore, many middle-class families employ foreign domestic workers (FDWs) to take on care and domestic work. In this setup, female FDWs need to be “a part of the family” and “feel at home” to better perform and render intimate labor, but they are structurally displaced and prevented from being fully integrated in both their employer’s homes and in the host country. Ilo Ilo (2013), a debut film by a Singaporean director Anthony Chen, has poignantly portrayed this paradoxical relationship by showing a young boy’s growing affection to his Filipina maid, and how this brief yet enduring bond demonstrates migration’s effects on both the foreign helpers and the middle-class families employing them. This Singaporean family melodrama depicts the affective nature of migration by demonstrating how FDWs are positioned as an intimate yet excluded figure inside the employer’s homes. The contradiction between intimacy and social exclusion seen in the film also simultaneously describes and prescribes the FDW’s place in the host country. The film illustrates the paradox of intimacy and exclusion in the host–guest worker relationship of employers and their maids within the private domains of household and the public discourse on FDWs’ claims in Singapore.
Sinakluban nila ang apoy bilang tanda na kailangan na nilang humayo’t magsiuwian. Binuhusan nila ng buhangin saka tinapak-tapakan ang ningas nang walang matagpuang bakas ng anumang naganap. Nagsitayuan ang lahat sabay nilingon ang direksiyon ng tatahakin nilang landas. Dahil sa brownout, binura na ng dilim at binalot ng anino ang buong Siyudad. Halos wala silang makita sa daan at ang anumang mamataan ng sinag ng buwan o ng kanilang headlights ay natutunaw sa salamin sa pagpaspas ng kanilang sasakyan. Kailangan nilang bilisan nang makahabol sa takdang oras. Hindi puwedeng mahuli. Hindi puwedeng mahulìng nahuli. (more…)
Manila: University of Santo Tomas Publishing House, 2011.
ISBN: 9789715065931
(Tagalog poem with English translation from Piya Constantino)
“History is hysterical: it is constituted only if we consider it, only if we look at it…” Roland Barthes, Camera Lucida
Tinutunaw ng liwanag mula sa poste ang panahon sa nabubulok
na niyebe. Umaalimbukay ang nginig habang gumuguhit sa hangin
ang iyong hininga. Dito kumakapit ang lamig sa lahat: sa bubungan,
sa kalsada, sa mga sasakyan, sa basurahan, sa kable, kahit sa liwanag,
sa mga salita, sa iyong nanunuyong labi at dila, sa usok
ng hinihithit mong sigarilyo, kahit sa iyong buntunghininga.
Niluwa mo ang nikotinang sumabit sa iyong laway, lumubog
ang iyong dura sa niyebe, at sa harap ng dakilang siyudad na ito,
bago pa ang kasaysayan, naging marka ang iyong laway ng nandito
ako ngayon katulad ng bakas ng paa noong sinaunang panahon.
(Bago pa ang kasaysayan, noong wala pang wika para sa kahit na ano)
Minasdan mo ulit ang hatinggabi habang nagsisigarilyo. (binubuo
pa lamang ng mga bagong danas ang mga bokabularyo para sa mundong
ito: Lumbay, isang pandiwang tumutukoy sa paglalakad nang halos
walang saplot sa daan pagkatapos ng mahaba-habang inuman.
Sa pangungusap, maaaring sabihing Nakakatuwa siyang tingnan
kagabi habang lumulumbay pauwi sa bahay. Ligalig, isang pang-uring
tumutukoy sa anyo o estado ng kalat sa daan, halimbawa, (more…)
Vol. 2 (2008) (pp. 107-117)